Sunday, September 10, 2017



MGA ALAALA NA MASARAP BALIKAN


tara alamin natin ang mga naranasan ko at mga natuksalan ko sa pag lalakbay sa Japan. Napunta ako sa Japan sa kadahilanan gusto lang ako ipasyal ng tita ko sa Disney Land pero noon mga kalaunan ay gusto niya ako umpunin dahil gusto gusto niya mag kaanak na babae at dahil na rin sa iisang lalaki lang anak niya.

base sa aking pag lalakbay ay masasabi kong ang Japan ay isa sa magaganda bansa at may mga disiplina.

 
AUGUST 23, 2013
⏩ Gabi na ako nakarating sa Japan dahil sa apat na oras na byahe. nanibago ako lalo na klima dahil malamig at sobrang linis sa Japan kesa sa pilipinas wala kang makikita basura sa kalsada. nalaman ko kaya pala malinis sa Japan kapag may basura sila e nilalagayan muna nila sa bulsa o bag pangsamantala tsaka nila itatapon kapag nasa bahay na sila o may basurahan.

⏩ kapag escalator naman nalaman ko na may dalawang daanan kapag left nandon ang mga tao na hindi nag mamadali at kapag right naman ayun yun mga nag mamadali parang nag bibigayan lang sila ng daan para sa mga taong nag mamadali .

⏩ Noon first time kong sumakay sa train sa Japan napansin na may kanyang kanya mundo yun iba nag babasa ng book o nag cecellphone wala sila pakielam sa mga tao nakapaligid nila at napaka tahimik din na puwede ka makatulog

⏩ ang mga bata simula hanggang grade 1 hangggang grade 3 ay hindi nag kakaroon ng exam dahil naniniwala ang mga hapon ay mga bata ay kailangan muna matututo ng mabuting asal.

sa japan kahit inawan mo ang cell phone or laptop ay hindi nawawala. kapag nalaglag ang wallet mo isa lang ang pupuntahan mo kundi ang police station na kung saan don dinadala ang mga nakita mga gamit.
                         
                                                        
AUGUST 28,2013
⏩ito naman unang pasyal ko sa Japan. ito ay sky tree na matatagpuan sa Sumida-ku ang taas 634.0 metres (2,080 ft) .Pinakamalaking tower sa japan at pumapangalawa naman sa pinakamataas sa buong mundo. may purpose ito na pahinain ang pag lindol sa tokyo

sa japan meron ang curfew nag sisimula nang 10 p.m. ang aking naranasan ay inuutusan ako ng tita ko na isauli ang CD dahil kapag hindi to nabalik sa tamang date ay mag babayad ng malaki halaga. yun mga oras na yun ay mag 10 pa lang kaya humarurot na ako ng pag bike dahil marami na ang mga pulis na mag iikot. ginawa ko kapag may nakikita ako mga pulis na nag bike ay san san ako lumulusot. noon nakahinga na ako ng maluwag dahil natakasan ko yun isang pulis ay pag tingin ko sa gilid ko ay may papunta na lalaking pogi bes... ayun nag slow motion pulis na pala huhuhu naiiyak pa ako noon kasi first time ko mahuli no hahaha nakakaiyak pa wala ako maintindihan sa pinag sasabi niya pati yun uhog ko sumasabay sa pag tulo ng luha ko. ayun hindi ko na nasauli ang CD pinauwi na niya ako huhuhuhu.
                    

⏩ August ang pasukan sa Japan at 1st year high noon pumasok ako .pumasok ako ng school na alam ko lang na nihonggo ay arigato at mushi mushi. alam kong hindi sapat kaya nag aral ako ng sulat nila at nihonggo kaso napaka hirap para saakin. kaya noon nakapasok na ako ay hindi kami mag kaintindihan ng classmates ko na kumakausap saakin dahil na din hindi sila marunong mag English kaya ngiti ngiti lang ako noon mga panahon yun.Nagulat ako na ABC pa palang ang pinag aaralan nila sa English at ganon din sila hirap na hirap sa English kaya wala masyado lumalapit saakin para kausapin ako at parang natatakot sila nakipag usap ng English.

⏩ nalaman ko din kapag junior pa lang ay mahigpit sa school bawal ang mga abobot katulad ng relo, kwentas, hikaw at ano pa. pinag babawal din ang pag dadala ng cellphone at pera dahil wala naman sila pag kakamitan ng pera dahil wala naman canteen don kapag junior high school. dahil na rin may mga hinahanda na mga pag kain. yun mga pag kainin namin ay sobrang healthy at balance talaga nandon na yun gatas, kain, ulam, kulay, prutas at dessert. Masasabi kong hindi ako napapakain ng gulay dati pero noon pumunta ako naging paborito ko ito dahil na din Araw araw kami kumakain nito. Noon tapos namin ang class ay nagulat ako bat lahat sila nag sisi alisan na hindi kasama yun bag nila at bumalik sila na may dala nang basahan at walis halos lahat kami ay kumikilos para maglinis maliban nalang sa mga nag assist na lunch namin noon. 7:30 to 4:30 yun school namin pero magiging 6:30 yun uwi kapag sumali ka sa club katulad ng basketball club, volleyball club, art club at marami pang iba. 

⏩ Kapag Senior High naman hindi na masyado mahigpit puwede na mag kulay ng buhok, mag suot ng accessories, mag make up, mag dala ng bike. hindi na masyadong mahigpit hindi katulad kapag junior. kapag Senior na rin pwede na mag part time job na puwede mo hatiin yun isang araw sa school at work.

JANUARY 12, 2014
⏩ ito naman yun pinasyal ako ng tita ko sa Disney Land sa urayasu. marami pumunta dito dahil karamihan sa mga rides ay pang bata. napakaganda at malaki ang Disney Land marami din ako mga nakita na Disney character. marami din kami mga nasakay mga rides. noon mga 8 p.m may parada ng mga ibat iba mga disney character 


FEBRUARY 8, 2014
⏩fist kong makikita ng yuki or snow pag labas ko sa condo namin ayan yun bumungad saakin napaka raming snow at sobrang ganda kasi lahat pinag lilibutan ng snow. dahil first time ko lang makakita nito ay sobrang saya ko kaya nag pasya ako mag pasama sa kaibigan ko na mag laro sa playground nag babatuhan kami ng snow at gumawa ng snow angel

⏩kadalasan kapag ganto panahon ay marami ang nag hot spring. nakakagulat pa noon nag hot spring kami ay dapat hubad hubad kahit panty wala. oo, bes kitang kita ang lahat hahahah. pero mag kahiwalay ang babae at lalaki. may mga mainit at malamig masarap sa pakiramdam kapag nakababad ka sa mainit lalo na matatanggal ang mga libag libag mo HAHAHHAHA 

FEBRUARY 9,2014
⏩Ito na isang restaurant na Eat All You Can na matatagpuan sa kinshiyo. marami ang pag kain na masasarap na pag pipilian katulad na nakahain sa lamesa. kapag pupunta kami dito ay ang pinsan ko at ako ay nag papaka gutom muna bago sumabak dito. dahil para sulit ang binayad namin dito.

SEPTEMBER 01, 2014

SEPTEMBER 01, 2014
⏩ ito ay Philippine festival na matatagpuan kueno koen. marami ang mga pumunta dito ng mga pilipino at isa na kami don na pumunta. marami kami nakita mga artista at mga sari sari masasarap na mga pag kain.

field trip 2014

⏩ito una naman pinuntahan ito ay matatagpuan sa kamakura. ito ay isa sa pinakamalaking buddha at isa ito sa mga Diyos nila. isa ito sa mgapinapaniwalaan ng mga japanese na diyos.

⏩ang susunod namin pinuntahan ay ang tokyo tower suppongi na ang taas ay  1,092 feet (333 meters). katulad din ng sky tree ay may purpose din ito ay may kakayanan mapahina ang mag earthquake pero mas malakas pa rin ang kakayahan ng sky tree kesa sa tokyo tower.
                                                   FEBRUARY 14,2014
⏩nalaman ko kapag february 14 o araw ng mga puso ay ang mga babae ang nag bibigay  ng chocolate sa mga lalaki at kapag march 14  o tinatawag na white day naman ay mag bibigay din ng chocolate ang mga lalaki sa mga babae

                                                               FEBRUARY 16, 2014 
⏩nag ice ski kami sa baba ng skytree na sumida-ku.


AUGUST 2014
⏩ito ay hanabi o fireworks na ginanap sa sunuda kuat ginaganap kapag summer. karamihan sa pumupunta sa hanabi ay nag susuot ng tradition wear na ang tawag ay yukuta at isa na ako nakasuot nito. ibat ibang firework display ang nakita ko katulad ng Disney character katulad ni mickey mouse. sobrang maganda at makulay

RETREAT

JANUARY 25-27 2017
ang retreat namin ay skiing na matatagpuan sa nigata 3 days and 2 nights kami. sobrang hirap para saakin dahil first time ko din gawin nito 





1st day namin ay sila marurunong na ako hindi pa so tinuruan ako noon una sinabi saakin kung paano hindi ko masyado maintindihan. kabado pa ako kasi natutumba tumba pa ako dahil sa mga snow at yun mga basic lang ginagawa namin.

2nd day nararamdaman ko nahirap na ng pahirap ang ginagawa namin katulad ng nandon na kami sa mataas na snow sabi daw kailangan paliko liko kami hanggang makababa kami don so isa isa na kami. nun ako na sinundan ako ng nag tuturo saamin dahil na din hindi ko pa kaya. so ayun na nakakalula mga bes HAHAHHA noon unang liko nagawa ko naman mag paliko liko kaso hindi na kaya ng paa ko i preno kaya napaderetsyo deretsyo nalang ako at hindi ko na ma preno at yun teacher naman namin na sinusundan ako sigaw ng sigaw na i preno ko daw kaya decide ako na itumba nalang ang katawan ko kaya ang tagal ko gumulong gulong hanggang baba huhuhu

3rd day natututo na ako mag skii at hindi na ako natutumba

MAY 22, 2015
⏩ito ang huling pinasyalan ko sa Japan ang Disney Sea sa urayasu. marami ang mga pumunta na mga kabataan dahil ang mga rides ay may thrill at kapag 8 p.m na ay marami ang nag hahantay dahil nag papa fire works.


MARAMING SALAMAT SA PAG BABASA HIHIHI